Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Kapansana’y ‘di hadlang

Kakaunti marahil ang hindi nakakakilala kay Andrea Bocelli. Isang tanyag na mang-aawit. Nadinig ang kanyang boses sa lahat ng sulok ng daigdig. Nagtanghal sa mga pinakasikat at pinakamalalaking bulwagan mula Europa hanggang Asya. Sinabayan ang musika gamit ang mapanuring tenga lamang. Di niya kita ang mga nota sapagkat siya’y bulag.

Sino naman kaya ang makakalimot kay Oscar Leonard Carl Pistorius? Siya ay isang double-amputee (putol ang mga paa) na lumahok sa 400m na takbuhan sa 2012 London Olympics.

Napakarami pang katulad nina Bocelli at Pistorius. Mga tanyag na tao na nakilala dahil sa sila’y nagtagumpay sa kabila ng kanilang kapansanan.

Nakakabuhay ng dugo.

Pero hindi na natin kailangan pang lumayo.

Sa Diyosesis ng San Jose ay maraming mga katulad na nilalang. Nakita ko sila noong ika-21 ng Hulyo sa pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation Week. Pinaghalong tuwa, pagkamangha, at paghanga ang aking naramdaman. Saksi ako sa positibong pananaw nila. Nakakatuwa na hindi nila tiningnan na parusa o kung anuman ang kanilang kalagayan. Bagkus, ipinamalas nila na sila’y masusuwerteng nilalang. Ipinakita nila ang pasasalamat sa Diyos.

Nais ko kayong ipakilala kay Rodel Felix. Siya ay tubong Tanibong, San Jose City. Hindi siya makalakad at tanging wheel chair niya na lamang ang tumutulong sa kanya upang makalabas ng kanilang tahanan. Sa kabila nito, naghandog si Rodel ng isang napakagandang awitin na may isang magandang mensahe na nagsasabi na laging nasa tabi natin ang Poong Maykapal.

Sumunod na nagpamalas ng kaniyang talento si Erick Garces. Ipinakita niya na napakaganda at napakasaya ng buhay. Nakatira siya sa Villa Marina sa San Jose City. Wala siyang kamay at paa kung kaya’t gulat na gulat kami ng bigla siyang tumalon. Pagtalon ata ang pinakahuli mong iisipin sa isang taong walang paa, kung ito man ay sasagi pa sa iyong isipan. Imbes na paghikbi ay malulutong na tawa ang narinig namin sa kanya.

Sa parehong okasyon ay nakilala ko rin si Faith Eunice Robante, 14, mula sa Tayabo, San Jose City. Pinangkalooban siya ng Kagalang-galang na Obispo Roberto C. Mallari ng isang braille typewriter na makakatulong sa kanyang pag-aaral. Hindi rin nagpahuli ang isang grupo ng mga kabataang babae sa kanilang galing sa pag-indayog. Nakakatuwa silang panoorin habang sumasayaw. Nalaman ko na lamang na sila pala ay mga pipi.

Umuwi ako ng araw na iyon na punung-puno ng sigla. Pakiwari ko’y napakaganda ng mundo. Kung sina Rodel, Erick, Faith at ang iba pang mga nakita ko sa pagdiriwang na iyon ay nagagawang magdiwang—aba’y dapat ako rin! Kung sila’y nakakapag-bigay puri sa Diyos, aba’y dapat ako rin!

Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement