Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Bagong kapilya sa Abar 1st itinalaga

Sabay sa pagdiriwang ng kapanganakan ng Birheng Maria ay isinagawa ang pagtatalaga at pagbabasbas ng bagong kapilya ni San Jose sa Abar 1st, ika-8 ng Setyember 2013.

Ang kagalang-galang na Obispo Roberto C. Mallari, kasama ang ilang kaparian ng diyosesis, ang nagpasimuno ng pagdiriwang. Sa kanyang mensahe, hinimok ng Obispo na pangalagaan at palaguin ng mamamayan ang kapilya. Hinikayat niya rin ang mga kabataan na pasukin ang pagpapari upang lubos na mapayabong ang Katolisismo sa lugar.

Ang bagong kapilya ay handog ng pamilya Violago. Ito ay ang huling proyekto ng namayapang Dr. Eleuterio Violago. Ang kapilya na ito ay sagot sa matagal ng hinihiling ng mga Katoliko sa barangay Abar 1st. Ang dati kasing kapilya ay maliit, mainit, binabaha at walang paradahan kung kaya’t hindi magkasya ang mga nais magsimba sa lugar. Lubos na natuwa ang mga tao sa isang espesyal na handog na ito ng Pamiya Violago.

Sa pangungusap ng Pangulo ng Barangay Pastoral Council na si Gng. Francing Escueta, buong puso niyang pinahalagahan ang kagandahang-loob ng Pamilya Violago. Inihandog niya sa kanila ang plaque ng pagkilala at pasasalamat. Pinasalamatan din niya ang lahat nga taong naghandog ng tulong sa mahabang taon ng paglalakbay ng sambayanang katoliko sa Barangay Abar 1st.

Bukod sa mga Violago, marami ding mga kilalang tao sa Lungsod ng San Jose ang dumalo.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement