Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:
 

Feeding Program sa Dalawang Barangay ng Lungsod ng San Jose

Ang Katedral ng San Jose ay maglulunsad ng feeding program sa dalawang barangay ng Lungsod ng San Jose kung saan may naitalang malnutrition sa ilang mag-aaral ng kanilang paaralan. Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod, ng Katedral at Tamayo Foundation, bibigyan ng lunas ang malnutrisyon sa ilang mag-aaral ng Naglaoag Elementary School, Barangay Sto. Nino 3rd. Ang Tamayo Foundation ay naglaan ng pondo upang maisakatuparan ang proyekto. Ang simbahan naman ay magsasagawa ng formation para sa mga magulang ng mga batang mag-aaral.
 
Ang Pondo ng Pinoy naman ay naglaan ng kaukulang halaga upang matustusan ang pangangalagang isasagawa sa mga mag-aaral na kulang sa timbang sa Barangay San Mauricio. Pangungunahan ng Canossian Sisters, ang Barangay San Mauricio ay nakahandang harapin ang isasagawang paglutas sa isyu ng malnutrisyun sa kanilang barangay.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement