Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:
 

ANG AMING HANDOG

Mula sa 105 ay mayroon ng 650 enrollees ang Balik-Handog Program sa Parokya ni San Jose sa bayan ng Rizal.
 
Ang Balik-Handog ay isang programa ng Diyosesis kung saan ang mga kalahok ay nangangakong magbibigay ng tulong pinansiyal sa Simbahan buwan-buwan.
 
MALILIIT NA HAKBANG
 
Balik-HandogMay 3 taon na ang nakakalipas ng umpisahan ang Balik-Handog sa bayan ng Rizal. Noong 2010 ay masigasig na ipinakalat ang impormasyon ukol dito sa bawat bahay-dalanginan na sakop ng parokya. Ang Balik-Handog Team noon ay binubuo nina Ester Ramos, Leo Oligo, at Fred De Guzman.
 
Sa kasagsagan ng paglilingkod ay nagkasakit ang ilang manggagawa.
 
Sa kabila niyon ay nagpatuloy pa rin ang programa. Katulad ng mga naunang manggagawa, dumating sina Ellen Manibog at Jun Andres na mayroong kakayahan para mapamahalaan ng buong husay ang mga gawain. Naging katuwang sina Ellen at Jun para lubos pang maipaliwanag ang mga adhikain ng Balik-Handog Program sa ilalim ng Damayang Kristiyano.
Sa araw ng pagpapasinaya ng bagong simbahan noong ika-18 ng Marso 2011, ginawa ang kauna- unahang pag-aalay ng mga unang kasapi ng Balik-Handog na binubuo ng 105 enrollees. Sila ay may kabuuang pangakong handog yaman na hindi bababa sa halagang 12,000 piso. Itinalaga si Jun Andres bilang opisyal na coordinator at tagapamahala ng programa sa parokya.
 
UMPISA NG PAGLAGO
 
Sabay ng patuloy na paghahandog ng mga tao ay ang paglaki ponding nalilikom ng Balik-Handog. Naging kumplikado ang pagtatala sa pumapasok na salapi ng Simbahan. Itinalaga sina Cely Co, Ronjane Basa, at Josie Dela Vega upang maging katuwang ni Jun sa pagbibilang.
 
Samantala, nakahanap naman ng paraan ang coordinator na gawin sa passbook ang pagtatala at pagpapasa ng mga handog upang maging sistematiko ang pagkuha nito at pagbabalik sa parokya. Ang naturang passbook ay magagamit na indibidwal na talaan ng yamang naihahandog sa loob ng 13 taon.
 
Itinalaga ang ikatlong Linggo ng bawat buwan na siyang araw ng pag-aalay ng mga miyembro ng Balik-Handog. Ayon sa paghahambing sa talaan, tinatayang 35,000 piso ang nalilikom sa buwanang paghahandog.
 
PINATUTUNGUHAN NG INYONG HANDOG
 
Matapos maisumite ang nakalaang halaga para sa Diyosesis, napupunta na sa mga gawaing pastoral ang perang nalikom. Ang mga halimbawa ng gawaing pastoral ay pagpapadala ng mga taong mag-aaral sa liturhiya, mga gawain ng kabataan gaya ng paglahok sa regional pilgrimage na ginanap sa Cabanatuan City at World Youth Day sa Maynila; pagsasaayos ng gusali ng parokya.
 
Buhat din sa ponding nalikom ay nakabili ng bagong T.V. monitor at laptop na ginagamit sa pagpapalaganap sa nasabing programa, buwanang pag-uulat sa Parish at Barangay Pastoral Council, at sa mga gawaing pang-ebanghelisasyon.
 
DUMARAMING MUMUNTING ALON
 
Makalipas ang 3 taon, mayroon ng humigit-kumulang na 650 miyembro ang Balik-Handog sa Rizal. Parang isang bato na ipinukol sa dagat na lumikha ng mga mumunting alon, dumarami pa ang mga nagnanais magmiyembro sa Balik-Handog.
Sa ilalim ng pamumuno nina Padre Arleen Ragasa at Monsignor Rolando Mabutol, pinaiigting pa ang panghihikayat sa mga nais na maging kasapi ng programang Balik-Handog.
Kasabay din ng pagdami ng mga nagbabalik-handog, dumarami rin ang mga naglalaan ng sarili upang maging sakristan, lectors and commentators, collectors, at layko ministro.
Ang Parokya ni San Jose, Esposo ni Maria ay nangangarap pa rin na sa darating pang panahon, ang lahat ng mga Katoliko sa bayan ng Rizal ay masaya at sama-samang maghahandog ng kanilang oras, talino at yaman para sa Inang Simbahan.
Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement