Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...

Tree Planting Program, ganap na inilunsad sa Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija

Text Size:

Pinangunahan ng lubhang kagalang- galang Roberto C. Mallari, D.D., Obispo ng Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija ang malawakan at napapanahong Tree Planting Program noong ika-28 ng Hunyo 2013 sa isinasaayos na Diocesan Spiritual and Ecology Center (DSEC) sa Sitio Usok, Brgy. Malasin, Lungsod ng San Jose, bilang malaking hakbang sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang DSEC na pinapangarap na maging ‘Birds Sanctuary’ at kaaya-ayang ‘Man Made Paradise’ ay isa lamang sa marami at malaking proyekto ni Bishop Bobet Mallari na alay sa sambayanan ng Diyos. Inaasahang higit na mapapalalim ang ugnayan ng mga mamamayan sa Banal na Santo sa kaganapan ng DSEC at gisingin na rin ang diwa at puso ng bawat isa ang tungkuling mangalaga ng Inang Kalikasan.

Kaagapay ng Mahal na Obispo ang Vicar General na si Rev. Fr. Nestor “Bong” Romano at buong kaparian kasama ang mga representante ng mga Damayang Kristiyano, Pamahalaang Lungsod ng San Jose, mga NGOs at iba’t ibang religious organizations tulad ng CWL o Catholics Women’s League sa nasabing gawain.

Tree Planting 2Ang presensiya ni Miss Chinchin Gutierrez, Ecologist at founding chairman ng Alaga-Lahat, Inc. ay tunay na makabuluhan sa pag-aalaga ng kalikasan sa buong Diyosesis ng San Jose, Nueva Ecija. Malaki rin ang suportang ipinagkakaloob ng CWL President sa katauhan ni Dr. Pastora Coloma, Director ng Extension Office ng CLSU at ang kabutihan ng mga taga CENRO − San Jose City sa pagbabahagi ng mga seedling requirements ng DSEC.

Maliban sa espiritwal na aspeto, layunin din ng DSEC na maging instrumento sa pagpapalaganap ng Organic/Sustainable Agriculture. Ayon kay Bishop Bobet Mallari panahon na upang itigil ang paggamit ng mga chemical fertilizers at chemical pesticides na lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga tao at kumikitil unti-unti sa kalikasan.

Sari-saring Income Generating Projects (IGPs) kaugnay sa Organic / Sustainable Agriculture ang kalauna’y ilulunsad din ng DSEC upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga tao sa paligid at dahan-dahang mai-angat ang antas ng kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, taimtim na hinahangad ni Bishop Bobet na maigiya ang pami-pamilya dito at sa buong Diyosesis sa aspetong espirituwal at wastong pangangalaga ng kalikasan.

Sinulat ni Sr. Josephine F. Fulgencio (hermit)

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement