Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:
Our Lady of Manaoag

Noong Setyemre 27-29, 2014 ang mapaghimalang Birhen ng Manaoag ay naparito sa Parokya ni San Jose ang Manggagawa at sinalubong ng napakaraming deboto at mananampalataya. Ito ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Radio Maria, "Pistang Bayan, Alay Kay Maria" kung saan ang ating Mahal na Birheng Maria ang nanguna at nakasama sa paglalakbay at pagbisita sa mga parokya at paaralan ng mga diyosesis ng Tarlac at San Jose.

Ang imahen ng MAhal na Birhen ng Manaoag ay dumating noong Setyembre 27, ika-lima at kalahati ng hapon kung saan nagdaos ng Rito ng Pagtanggap na sinundan ng Banal na Misa na pinangunahan ng ating mahal ng obispo, Most Rev. Roberto C. Mallari D.D. kasama ang direktor ng Radio Maria, Tarlac, Rev. Fr. Raymund S. Cruz.

Ang milagrosong birhen ay nanatili sa ating katedral hanggang ika-29 ng Setyembre at bago siya ihatid sa kanyang susunod na tutuluyan ay muling nagdiwang ng Banal na Misa at nagdaos ng isang Rito ng Pamamaalam.

Sa tatlong araw ng kanyang pagdalaw ay masasabi nating naipadama ng Mahal na Ina ang milagro at biyaya ng pananampalataya dahil sa dami ng dumalo sa mga misa at pananalangin. Bilang simbolo ng tapat na pananampalataya ay nag-alay ng dalawanlibong Aba Ginoong Maria ang sambayanan na hinati-hati sa mga mandated organizations, mga DK Communities, paaralan at mga baranggay na nasasakupan ng ating parokya. Bihirang dumating ang ganitong pagkakataon kaya hindi pinalampas ng kanyang mga deboto ang mga araw na sila naman ang dinalaw ng Mahal na Birhen ng Manaoag.

Kasama rin sa mga parokyang binisita ng pilgrimage ang mga parokya ng Ina ng Santo Rosaryo, Licab, parokya ni San Juan Ebanghelista, Guimba, parokya ni San Sebastian, Muñoz at ang Katedral ni San Jose Manggagawa. Muling ibabalik ang imahen sa Diyosesis ng Tarlac sa parokya ng Birhen ng Lourdes, Maliwalo, Tarlac.

by: Mariz B. Ganayo

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement