Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Isinulat ni JJ dc Esteban

Binuksan ang retablo ng Parokyani Apo San Juan Ebanghelista sa Guimba noong ika-20 ng Hunyo. Matagumpay na naitayo ang retablot at long buwan matapos mailunsad ang proyektong ‘Benteko, Tulong ko sa Retablo’. Maramiangnamanghadahilmabilisitongnatapos.

Malinaw pa sa aking isipang unang pulong para sa retablo. Tinanong kamini Fr. Cesar kung nais namingipagawaang altar at ang inasahang sagot ng mga dumalo ay "opo". Inalam din namin kung magkanoanghalagang gugugulin para dito ngunit ayaw sabihin ni Fr. Cesar. Wika niya, "Mas mainam na si Fr. Alex Bautista (arkitekto ng Catholic Bishops Conference of the Philippines) ang magsabi ng halagang gagastusin.”

Isinama kami ni Fr. Cesar saMagaspac, Gerona, Tarlac upang tingnan ang isang parokya doon na dinisenyo ni Fr. Alex. Natuwa kami saganda at ayos ng simbahan doon. Makakapagnilay ka nang husto at pakiramdam mo’y ang lapit ng Diyos sa iyo.

Ang bawat di senyo ,kulay ng pintura, ilaw, at myural na inilagay sa parokya ay pinagplanuhang mabuti at ibinatay din sakabuhayan ng mga mamamayan at mga naghandog nito.

Natuwa kami sa mga naibahagi ni Fr. Alex sa amin kaya hindi namin siya tinantanan sa pagtatanong kung magkano talaga ang magagastos sa ilalagay na retablo sa simbahan.

Laking gulat namin nang sabihin niyang aabutin ng P1.4 milyon ang pagpapagawa nito. Nagbulung-bulungan kami. May mga nagsabing hindi namin ito kakayanin. Pero malakas at buo ang loob ni Fr. Cesar na maisagawa ito nang maluwalhati. Sabi niya, "Ang pangarap nating ito ay maisasakatuparan kung tayo ay magtutulungan. Ang buong sambayanang Guimba ay kasama sa pangarap na ito.”

Hindi nga nabigo ang aming kuraparoko. Ang buong sambayanan ng Guimba ay sama-samang tumulong sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bente pesos kadalinggo. Marami rin ang nagbigay ng higit pa sa P20katulad ng P500 sa isang bagsakan. Mayroon ding nagbigay ng P2000 kadabuwan.

Tunay ngang sa pagtutulungan ay makakamitangpangarap. Patuloy kaming nangangarap para sa aming simbahan. Umaasa kami nasatulong at biyaya ng PoongMaykapal, ang mga pangarap na ito ay unti-unting matutupad.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement