Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:
Ilang manggagawa ng Gratia Plena sa Talavera ang lumahok sa isang pagsasanay ukol sa Likas-Kayang Pagsasaka, ika __________. Ang naging tagapagsanay ay sina Dr. Carminia “Chin-Chin” Gutierrez at nasirang aktor na si Roy Alvarez. Maliban sa mga praktikal na kaalaman, ipinaliwanag din nina Gutierrez at Alvarez ang espirituwalidad ng Likas-Kayang Pagsasaka. Agad na isinunod ang pagsasanay sa mga tagapagsanay o Training of Trainers. Sa lahat ng gawain sa linggong iyon ay kalakip ang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos.
 
Samantala, matapos ang 21 araw na pagsasanay sa organic agriculture production, pumasa ang 15 kinatawan ng Diyosesis ng San Jose sa pagsusulit upang makakuha ng national certificate mula sa Technical Skills and Development Authority o TESDA. Ang pagsasanay na isinagawa sa Davao Del Norte ay dulot ng pinagsanib na puwersa ng Agricultural Training Institute sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka, Alaga Lahat, at ng Diyosesis.
 
Sa kaugnay na balita, nagtapos ang mahigit 200 magsasaka mula sa Diyosesis sa pagsasanay sa Continuous Organic Vegetable Production. Ito ay isinagawa noong Disyembre 2013 hanggang Enero 2014 sa Domus Mariae sa Nampicuan at Gratia Plena sa Talavera. Ang pagsasanay ay kaugnay sa pangarap ng Diyosesis na magkaroon ang bawat tahanan ng sapat na pagkain.
 
Tinalakay sa pagsasanay ang kahalagahan ng pagbabalik sa nakagisnang pamamaraan ng pagsasaka o ang Likas-Kayang Pamamaraan ng Pagsasaka (Sustainable Agriculture) na naisabatas na rin sa ilalim ng Organic Agriculture Act of 2010. Layunin nito na isulong ang pagsasaka na makakalikasan, hindi magastos, at masustansya at ligtas na pagkain. Binigyang-pansin din ang kahalagahan ng lahat ng bagay—ang lahat ay may pakinabang basta’t ang mga ito ay mapamamahalaan nang wasto.
Hinahangad sa nasabing pagsasanay na maiuwi ang mga natuthnan sa tahanan, magtanim ng mga gulay sa bakuran at nang sa gayon ay maiwasan ang pagbili at masigurong ligtas sa kemikal ang buong pamilya.
 
Binigyang-diin din ang Diversified Integrated Farming Technology System ( DIFTS). Ito ay tuluy-tuloy na pagtatanim na ng iba’t ibang klaseng pananim tulad ng palay, gulay, punongkahoy, prutas, at pag-aalaga ng isda at iba’t ibang hayop. Maliban sa pagtatanim, kinakailangang mapagtanto ng mga magsasaka na ang lahat ng halaman at hayop ay may malinaw na ugnayan sa isa’t isa. Isusunod na ang mga pagsasanay sa pagtatanim ng palay at pag-aalaga ng mga hayop sa paraang organiko. Bawat lumahok ay gumawa ng kani-kanilang Farm Development Plans.
Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement