Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:
Marso 25, 2014 – Kapistahan ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon, ipinagdiwang ni Reb. Padre Renato “Ato” R. Santos Jr., (52), anak ng Guimba, at kura paroko ng Parokya ni Santiago Apostol sa Lupao, ang ika-26 na taong anibersaryo ng kanyang pagkapari.
 
May Banal na Misa sa 6:30 ng umaga sa pangunguna ni Fr. Ato kasama ang Lubhang Kagalang- galang Obispo Roberto C. Mallari, D.D., sina Fr. Jojo Cabanting at Fr. Christian Magtalas pati mga seminaristang sina Paul Silva at Louie Cañiza.
Sa paggabay ng mga lider-lingkod ng parokya, nakiisa din sa pagdiriwang ang pamilya ni Fr. Ato at mga kaibigan mula sa iba’t ibang lugar tulad ng Science City of Muñoz, San Jose City, at Sto. Domingo.
 
Sa homiliya ng Obispo, ibinahagi niya ang naging pagninilay ni Papa Francisco kaugnay ng Ebanghelyo sa araw na iyon. Tatlong bagay ang kanyang binigyang-diin: magalak tayo sa lahat ng biyayang patuloy na ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon at ang kagalakang ito'y dapat ipamahagi sa iba; huwag matakot sa gitna ng mga pagsubok sa buhay; at tulad ni Santa Maria ay maging handa tayo sa pagtalima sa kalooban ng Diyos.
 
Ito ang unang pagkakataon na ipinagdiwang sa Lupao ni Fr. Ato ang kanyang anibersaryo. Sa kanyang mensahe, kinuwento niya na siya ay dumalaw muna sa libingan ng kanyang mahal na ina nang ilang saglit sapagkat sa taong ito'y hindi na niya siya makakapiling sa pagdiriwang.
 
Nagpasalamat din siya sa lahat ng dumalo partikular sa kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan na wika niya'y tumanggap sa kanya kung ano at sino talaga siya. Pagkatapos ng Misa ay pinagsaluhan ng lahat ang isang simple ngunit masarap na almusal. Dumating din ang mga paring sina Ronald Rhoel Ocampo, Arleen Ragasa, at Ariel Capuyon.
Sa kanyang anibersaryo ay ginunita ni Fr. Ato ang pagtawag sa kanya ng Panginoon. May kagalakan, may pangamba, ngunit tulad ni Maria, walang pasubali din siyang sumagot ng "opo" sa Maykapal.
Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement