Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Awit sa Mabuting Katiwala

Mga mabuting katiwala, nasaan kayo
Kayo ba'y tinali, hinuling lahat 
At binulag ng gabi
Kung kaya't 'di  makatugon
Sa tawag ng lahi.

Sino'ng mamimitas ng mga bungang hinog
Na binuo ng buwan, ng dugo at ng karagatan
Nakabalot sa mga binhing naghihintay 
Ng may karapatdapat
Upang matupad ang ginintuang pangako
Ng unang tawag ng lahing 
Katutubo

Itong lupa ng pagasa ay lumulutang
Sa lungkot ng panahon.

Ang ating mga ina ay ninakawan ng tadhana
Mga nalalantang mukha ng mga amang isinumpa
At ang mga anak ay nanghuhuli
Ng mga kababalaghan
Sa mga aninong natutulog sa gabi,

"...Gumising ka, giliw ko
Naghihintay Ako, ang buhay mo 
Sa dilim ng iyong lungkot
Sa anino ng iyong mundo

Apoy ng Pagasa
Gisingin sila’t Pukawin!
Banal na gutom at uhaw ng Ako’y tanggapin,
Banal na Pagibig ng Ako’y maisilang at maihain!"

Mga mabuting katiwala
Kayo ba'y nasugatan ?
Mga mabuting katiwala
Kayo ba'y babalik ?
May mga dalagang hindi nakakalimot
Sila’y pinili ng Ina
May mga binatang hindi nakakalimot,
Sila’y pinili at pinipino

Ang simbahan ay hindi nakakalimot
Sa inyong mga iniwang luha
Na ngayo'y umaapoy
Sa pinili naming landas
Na binuo ng buan ng dugo at
ng karagatan ...

Habang ginugunita ang nakaraan
Isang malinis at magiting na panahon
Kami'y maghihintay sa Araw ng Katarungan
Na sisikat sa inyong pagbabalik…
"...na sisikat sa inyong… pagbabalik..."

“Ipaubaya ang lahat sa katalagahan ni – BATHALA--
At hayaang Siya ang magpasiya.”

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement