Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Obispo Mallari, pinarangalan

Obispo Mallari

Pinarangalan ng Provincial Government ng Pampanga bilang Most Outstanding Kapampangan ang Lubhang Kagalang-galang na Obispo Roberto C. Mallari noong ika-11 ng Disyembre 2013.

Kinilala ng lokal na pamahalaan ang husay at dedikasyon ng obispo sa kanyang mga ginagawa partikular ang mga programang pinamunuan at pinamumunuan niya sa pagkalinga sa mga maysakit at mga taong salat sa maraming bagay.

Malugod na tinanggap ng Obispo ang parangal. Aniya, ang tunay na saya ng parangal na kanyang nakamit ay ang makitang nagagalak ang mga mahihirap na tao.

Patuloy pa rin ang krusada ng Obispo para palalimin ang pananamplataya at paghariin ang pagmamahalan sa sambayanang Kristiyano na kanyang pinaglilingkuran.

Isa sa pangunahing programa na itinataguyod ng obispo sa Diyosesis ng San Jose ay ang pagtatatag ng Tahanan ng Damayang Kristiyano (TDK). Ito ay magsisilbing bahay-ampunan sa mga matatandang wala nang nag-aaruga (basahin ang kaugnay na kwento sa isyu ring ito).

Lahat ng ito, ayon sa Obispo, ay upang mailapit ang lahat sa Panginoon at maipadama na ang Diyos ay buhay at kumakalinga sa kanyang mga nilikha.

Bago ang kanyang pagiging obispo sa Diyosesis ng San Jose si Obispo Mallari ay humawak din ng ilang mahahalagang katungkulan kasama na ang pagiging Executive Secretary ng Episcopal Commission on Family Life ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement