Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Diyosesis ng San Jose, umani ng 2 diyakono


Sa mga batang lalaki, malimit marinig na gusto nilang maging doktor, sundalo, guro o abogado. Bihira ang may tipong maging pari.

Inordenan bilang diyakono sa ating Diyosesis sina Rev. Mitchelle Gonzales Cinense at Rev. Richard Peñamente Lagos noong Nobyembre 16 sa San Jose Cathedral.

Inihalintulad ng Lubhang Kagalang-galang Obispo Roberto C. Mallari sa panganganak ang okasyon. Ito raw kasi ang unang pagkakataon na siya ay mag-orden ng mga diyakono.

Tubong Guimba, Nueva Ecija si Rev. Mitch, 30, at nag-aral sa San Carlos Seminary. Kasama niya sa ordinasyon ang kanyang mga magulang na sina Gerry S. Cinense at Ma. Victorina Gonzalez Cinense, at kakilala.

Bago maging diyakono, si Rev Mitch ay nanilbihan sa San Sebastian Martyr Parish sa Lungsod Agham ng Muñoz. Katuwang siya sa mga gawaing pang-ebanghelisasyon ng parokya lalo na ang Dalaw-kalinga at Dalaw-kumustahan. Kasama ang mga pari at mga manggagawa ng parokya, si Rev. Mitch ay naging abala sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa mga malalayong barangay. Hindi pinatawad ng kanilang grupo ang palengke sa Muñoz bilang puntirya ng ebanghelisasyon.

Samantala, tubong Panukulan, Quezon sa Polillo Islands naman si Rev. Richard, 32, at nag-aral din sa San Carlos Seminary. Kasama niya sa ordinasyon ang kaniyang mga magulang na sina Antonio Lagos at Lucy Peñamente Lagos, mga kapatid, at ilang kamag-anak.

“Mga bundok, palayan, at dagat po ang sinuong nila para makapunta dito,” ani Rev. Richard.

Si Rev. Richard ang assistant director ng Commission on Social Communications ng Diyosesis. Bago ang ordinasyon, si Rev. Richard ay aktibo sa maraming gawaing pang-ebanghelisasyon tulad ng YouCat (Youth Catechism for Filipino Catholics), isang Facebook Group na naglalayong ilapit ang mga kabataan sa Diyos. Sa kasalukuyan ay mayroong nang mahigit 1,000 miyembro ang YouCat. Siya rin ay punong abala sa pagpapalabas ng Kamalig, ang babasahing hawak mo ngayon.

Bahagi rin si Rev Richard ng mga radio program ng diyosesis, ang Manalig Ka (kasama si Rev. Mitch) at YouCat On Air (tingnan ang mga patalastas sa isyu ding ito para sa detalye). Napaka emosyonal ang ordinasyon na nagtagal nang halos 2 oras. Hindi maipintang ngiti ang handog ni Rev. Mitch nang kanyang imbitahan ang mga tao sa pagbati ng kapayapaan. Naging maikli ngunit napakamakabuluhan at mula sa pusong pasasalamat ang handog ng dalawa sa mga nagsidalo sa ordinasyon.

Si Rev. Mitch ay kasalukuyang nakadestino sa St Roch Parish sa Cuyapo. Sa St. John The Evangelist Parish naman sa Guimba si Rev. Richard.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement