Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Fun run sa Carranglan


Sabay sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Kabataan, ginanap ang isang fun run sa parokya ni San Nicolas De Tolentino sa Carranglan, ika-16 ng Disyembre 2013.

Sa temang temang “Be a Helping Hand, Be a Color Fun Runner”, mga 200 katao ang tumakbo na pinamahalaan ng mga miyembro ng Parish Youth Ministry (PYM) sa pangunguna ni Brother Louie Cañiza. Layunin nito na pagbuklurin ang mga kabataan sa pagdiriwang ng kanilang natatanging araw, at upang makalikom ng pondo pambili ng sasakyan ng parokya.

Lubos ang naging suporta ng kanilang kura paroko Reb. Padre Lloyd A. Nepomuceno, na nakilahok din sa nasabing libang-takbuhan kasama ang iba’t ibang miyembro ng mandated organizations ng parokya. Ang lokal na pamahalaan ng Carranglan, sa pangunguna ng mga kapulisan, at sa suporta ng kanilang Punong-Bayan Mary B. Abad at Bise Mayor Efren P. Alfonso Jr. at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ay lumahok din sa fun run.

Labis ang pasasalamat ng PYM ng Parokya sa mga sumuporta at dumalo sa isa sa kanilang pinakamalaking programa sa taong 2013.

Ang mga kabataan ng Parokya ni San Nicolas De Tolentino sa Carranglan kasama ang kanilang kura paroko Reb. Padre Lloyd A. Nepomuceno at Brother Louie P. Cañiza, sa matagumpay na Fun Run 2013.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement