Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

OLSHCO sa Guimba 100% passing rate sa LET

Muling pinatunayan ang mataas na kalidad ng edukasyon sa Our Lady of the Sacred Heart College of Guimba, Inc. (OLSHCO) nang magkamit ito ng 100% passing rate sa Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre 2013. Walo ang kumuha ng LET, lahat sila pumasa.

Makasaysayan para sa OLSHCO ang pagkakapasa ng unang grupo ng Bachelor of Secondary Education na nagpakadalubhasa sa English, Filipino, at Values Education.

Sa bisa ng pinagsanib na dunong at pagpapala ng Maykapal, pumasa sa LET sina (English) Malvin John Dagdag, Nico Garcia, Ma. Lily Julieta Calina, May Ann Dela Cruz, Myra Corpuz at Rochelle Ramos; (Filipino) Joselle Galang; (Values Education) Junalyn Walican.

“Bukod sa review, pinanghawakan ko talaga ang prayers sabi kasi kahit anong gawin mo kung walang panalangin, walang mangyayari,” wika ni Dela Cruz.

Ang OLSHCO ay pinamumunuan nina Editha Dela Cruz, dekana, at Reb. Padre Rufu Ramil H. Cruz, executive vice-president.

Ang naturang tagumpay ay isang patunay sa pagsusumikap ng OLSHCO sa paghubog ng mga estudyante bilang Animated, Christ-centered, Excellent, at Service-oriented (ACES) na mamamayan.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement