Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Kapistahan ni Apostol San Andres ipinagdiwang sa Pantabangan

Sa isang pambihirang pagkakataon ay pinagsabay ang pagdiriwang ng kapistahan ni Apostol San Andres, ang patron ng Pantabangan, at ang Pistang Bayan noong ika-30 ng Nobyembre 2013.

Dati, ginaganap ang pistang bayan sa Mayo ngunit minabuti ni Mayor Lucio B. Uera na isabay ito sa kapistahan ng patron. Siya rin ang hinirang na Hermano Mayor ng pinagsabay na pagdiriwang na may temang “Apostol San Andres: Lingkod na nagpapahalaga sa buhay pananampalataya at sa sambayanang nagkakaisa at nagtutulungan”.

Noong ika-20 ng Nobyembre, nagkaroon ng prusisyon bilang hudyat ng pagsisimula ng nobenaryo para sa kapistahan. Ipinarada ang antigong imaheng festehada ni San Andres na yari sa garing (ivory). Ito ay nasa pag-iingat ni Arsenio Tabilon at ng kanyang pamilya. Kasama rin sa parada ang imaheng callejera na nasa pag-iingat naman ng St. Andrews School (SAS).

Tampok ng pagdiriwang ang pagpaparangal sa mga miyembro ng balik-handog mula sa iba't- ibang barangay ng Pantabangan. Isinagawa rin ang isang feeding program na ginanap sa mga komunidad na sakop ng Damayang Kristiyano tulad ng barangay Marikit, Napon-Napon, at Masiway. Ang kura paroko ay namigay din ng mga tsinelas sa mga batang kabilang sa mga pamilyang nangangailangan.

Pinasinayaan din noong Nobyembre ang mga isinaayos at bagong pasilidad ng SAS. Pinangunahan ito ni Obispo Roberto C. Mallari, kasama ang mga paring sina Rufu Ramil H. Cruz; Ronald Rhoel Ocampo, direktor ng SAS; at Josix Darwin R. Tolentino, kapelyan ng SAS.

Ang SAS ang natatanging Katolikong paaralan sa Pantabangan. Ito ay pinamamahalaan ni Reb. Padre Ocampo kasama si Gng. Janet A. Villa bilang punung-guro. Nangako rin ng suporta sa mga programa ng pagbabago ang SAS Alumni Association at ang SAS pioneer batch kung saan kabilang si Mayor Uera.

Samantala, idineklara ng Sangguniang Panglungsod ng Muñoz ang Enero 20, 2014 bilang special non-working holiday. Kapistahan ito ng kanilang patron San Sebastian, at pagtatapos din ng pagdiriwang ng UHAY Festival ng Muñoz.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement