Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Hanapin natin ang mga 'sampan sa kapatagan'

Nakakita na ba kayo ng mga taong nakatira sa bangka? Nakakita na ako!

Noong 2010 ay napunta ako sa Hue, Central Vietnam upang makapanayam ang mga mangingisda na maaapektuhan sa isang proyekto na isasagawa sa may lawa na kanilang pinangingisdaan. Habang binabasa ko ang mga dokumento, tumawag sa aking pansin ang mga sampan o mga taong bangak ang bahay nila. Pakiwari ko: meron palang ganun?

Meron. Nakita ko nang nag-iikut-ikot na kami na may mga bangka sa may gilid ng lawa. Nagkaroon ako ng pagkakataong sumilip sa loob ng bangka kasi wala naman yung may-ari. Bahay na nga nila ang bangka. May kaldero, plato, baso, may kalan din! Ang sistema raw ay dumadaong sila sa may tabi ng lawa kapag may kailangan silang bilhin o kung kailangan nilang magluto. Tapos, magpapalutang-lutang ulit sila sa lawa. Buhay nomad (palipat-lipat) ang mga sampan. Hindi rin uso ang pag-aaral sa marami sa kanila.

Mayroon akong nakapanayam na mga sampan. Napakasimple nila at mababait. Mula sa puso ang ngiti at parang mga walang pagkukunwari.

Naalala ko ang mga sampan nang matutuhan ko na Year of New Evangelization and Year of the Laity ang 2014. Ibig sabihin ay hinihikayat ang lahat na sumubok ng iba’t ibang paraan para maipalaganap ang Salita ng Diyos. Ang lahat sana ay makibahagi sa isang napakahalagang gawain na ito.

Samantalang napakagandang gawain ang hanapin ang mga taong tulad ng mga sampan sa ating lipunan, hindi na natin kailangang lumayo. Marahil ay mag-umpisa tayo sa mga tao sa ating paligid. Hindi man sila nakatira sa bangka, maaaring madalang sila makarinig ng Salita ng Diyos. Saan ba tayo pwedeng mag-umpisa?

  1. Tao-sa-tao na pakikipag-usap. Natutuhan ko sa Parokya ng San Sebastian Martir sa Science City of Muñoz ang “Katolikong nagbabahay-bahay” ni Reb. Padre Nestor ‘Bong’ Romano  (basahin ang sinulat ni Padre Bong sa isyu ding ito).  Marahil pwede tayong makibahagi sa mga gawaing katulad nito. Pumupunta sila sa mga malalayong barangay para magpalaganap ng Salita ng Diyos. Maliban sa ebanghelisasyon, magandang pagkakataon din ang gawaing ito upang makakilala ng mga bagong kaibigan.
  2. Radyo. Pwede ka ring dumaan minsan sa opisina ng Social Communications sa Katedral sa Lungsod ng San Jose at makibahagi sa radio programs doon. May programa para sa lahat ng edad at sa lahat ng paksa ukol sa buhay-espiritwal. Magbahagi ka ng iyong kwento. Hinihintay nila yun!
  3. Social media. Malamang mayroon kang Facebook. Maaari kang mag-umpisa diyan. Maraming mga grupo sa Facebook tulad ng YouCat (Youth Catechism) na nagsusulong ng ating pananampalataya. Sa YouCat, halimbawa, maaari tayong matuto mula sa ilang miyembro doon at nang mas edukado ang ating pagbabahagi sa iba. Siguro, nasa tamang oras na din para gawin nating mas regular ang pagbabasa ng Bibliya para lalong maging makabuluhan ang ating gawaing pang-ebanghelisasyon.
  4. Dyaryo o magasin. Ikaw ba ay mahusay magsulat, maglayout, magaling kang kumuha ng litrato o mag-edit ng mga larawan? Magpalista ka na dito sa Kamalig bilang isa sa aming mga volunteers. Kinakailangan namin ang isang tulad mo. Magkaisa tayong suportahan ang gawaing ito.

Sa taong 2014, isang malaki, seryoso, at napakahalagang pagkilos ang inilulunsad. Maliban sa pagsimba tuwing Linggo, hinihikayat tayong isapubliko ang ating pananampalataya. Hanapin natin ang mga sampan sa kapatagan at ating ibahagi ang Salita ng Diyos sa kanila.

BLURB

  1. …hinihikayat ang lahat na sumubok ng iba’t ibang paraan para maipalaganap ang Salita ng Diyos.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement