Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Tahanan ng Damayang Kristiyano malapit ng buksan

Nakahanda na ang mga damit ni Nanay Merva*  ng Gabaldon para sa paglilipat sa kanya sa Tahanan ng Damayang Kristiyano (TDK) sa Parang Mangga, San Jose City.

“Gusto ko nang malipat doon nang may kasama naman ako,” wika ni Nanay Merva.

Hindi na makapaghintay si Nanay Merva nang siya ay aming kapanayamin. Nakatira siya sa halos 1mx1m lang na barung-barong yari sa pinagtagpi-tagping kahoy, ilang yero, at ilang plastic na pananggalang sa araw o ulan.

Walang kasama si Nanay na halos lagpas 60 taong gulang na. Lumpo rin siya. Nang siya ay aming madatnan, hinihilot niya ang kanyang braso sapagkat siya raw ay napaso. Katatapos lang niya kasing magsaing sa pugon na katabi lang ng kanyang papag. Wala kaming nakitang kubeta sa paligid.

“Kung minsan binibigyan ako ng pagkain ng kapitbahay ko. Minsan hindi,” wika ni Nanay.

Para kay Nanay Merva at sa marami pang katulad niya ang TDK, wika ni Reb. Padre Ernie Pesimo. Tinatayang mahigit 30 nag-iisa sa buhay na matatanda ang kayang kupkupin ng TDK. Sa loob ng 5-ektaryang lupain na pag-aari ng Diyosesis ng San Jose sa Barangay Parang Mangga itinatayo ang Tahanan.

“Magkakaroon ng mga nurses, caregivers, at ilan pang mag-aalaga sa mga matatanda,” wika ni Padre Ernie.

Katuwang sa proyektong ito ang ilang mga pamahalaang local, partikular ang Lungsod ng San Jose. Nabanggit ni Padre Ernie na napakahalaga ang parteng gagampanan ng mga lokal na pamahalaan.

Simula nang ilunsad ang TDK ay nag-uumapaw na ang suporta ng mga parokyano ng Diyosesis.

“Nakatutuwa ang suportang aming natatanggap—may salapi, mga foams na tulugan ng mga matatanda at kung anu-ano pa,” wika ni Padre Ernie.

Marami na ring mga tao ang nagboluntaryo para sa TDK. Isa na sa kanila ang arkitekto ng gusali na binigay nang libre ang kanyang disenyo.

Sa hinaharap ay planong paigtingin ng TDK ang mga gawaing pagkakakitaan nito. Ang palibot ng TDK ay aayusin para tamnan ng mga gulay, gamit ang sustainable farming systems. Ang mga malilikom sa gawaing ito ay dagdag-pangtustos sa mga pangangailangan ng TDK sa darating na panahon.

“Ninanais namin na bago matapos ang Marso 2014 ay mabuksan na ang TDK,” wika ni Padre Ernie.

Sa pagbubukas ng TDK, isa si Nanay Merva sa mga pinakaunang titira dito. Meron na din siyang makakasama, wika ni Padre Ernie, na “abandonadong matanda” rin mula sa ibang parokya.

Ang pagpapatayo ng TDK ay umaasa sa Divine Providence, wika ni Padre Ernie—na kitang-kita nila ngayon sa di matatawarang suporta na kanilang natatanggap. Walang tigil ngayon ang mga paggawa sa gusali, katulad ng paglalagay ng mga tiles para ito ay maging kaaya-aya sa mga matatandang titira dito.

Sa mga nagnanais sumuporta o may mga katanungan ukol sa TDK, makipag-ugnayan lamang sa opisina ng Diyosesis ng San Jose.

*Hindi niya tunay na pangalan

BLURBS

  1. Tinatayang mahigit 30 abandonadong matatanda ang kayang kupkupin ng TDK.
  2. Simula nang ilunsad ang TDK ay nag-uumapaw na ang suporta ng mga parokyano ng Diyosesis.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement