Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Loading feeds...
Text Size:

Iisang Pangarap: Ang tunay na Diwa ng Damayang Kristiyano

Marahil ang bawat isa sa atin ay may kanya-kayang pangarap. Marami ang gustong maging singer—naghahangad na mapanood sa The Voice. Marami gustong makapag-abroad, kumita ng limpak-limpak na salapi upang makapagtayo ng sariling bahay o di kaya’y matulungan ang pamilya. Mayroon ding pinalalawak ang paningin sa mga palayan at iniisip na balang araw ay bibili ng malawak na lupain.

Ang Diyosesis ng San Jose ay may pangarap din. At ito ay ang isang maunlad na Damayang Kristiyano. Ito ay hindi para sa iisang tao lang. Ito ay para sa sambayanan.

DAMAYANG KRISTIYANO
 

Mas kilala sa tawag na DK, ang Damayang Kristiyano na inumpisahan noong 2004 ay taliwas sa akala ng marami na isang karaniwang organisasyon lamang. Marami ang nagsasabi na ito ay samahan kung saan sama-samang nagsisimba ang mga miyembro at nagkakaroon ng mga income-generating projects.

Ang DK ay isang uri ng pamumuhay na ipinahihiwatig sa pangarap ng Diyosesis na estado ng buhay para sa sambayanan. Dito, ang lahat ng taong kasangkot ay iisa ang damdamin at pagkilos tungo sa pagiging maunlad na Damayang Kristiyano.

Samantalang mayroong samu’t saring gawain ang mga parokya ng diyosesis, marapat na maunawaan na ang mahalaga dito ay ang pinag-isang pangarap. Kumbaga, maraming daan pero isa lang ang patutunguhan.

PAKIKISANGKOT
 

Sa bawat barangay ng diyosesis na may Damayang Kristiyano ay mayroong tinatawag na mga cells. Ang bawat cell ay binubuo ng sampung magkakapit-bahay. Sabay-sabay silang nagkakaroon ng prayer meeting at magkakatuwang sa iba pang mga gawain.

Ang mga miyembro nito ang nagpapatupad ng mga gawain sa ilalim ng DK. Pero hindi kinakailangang pumaloob sa pagiging bahagi ng mga cells upang makatulong. Maaring maging kabahagi ang bawat isa sa pagpapalago at pagpapalaganap ng DK.

Ang Commission on Integral Formation o CIF ay isang Commission ng Diyosesis na pinamumunuan ni Fr. Ernie Pesimo. Ito ay isang diocesan commission na siyang nangangasiwa sa mga programa ng DK. Sa kasalukuyan ay pinapatupad ng CIF ang refocusing program. Dito, binibigyang tuon ang mga cells sa barangay at binibigyan ng diin ang mga programang ipinatutupad.

Ang pagbabahay-bahay (sundan ang kuwento ng Dalaw-Kalinga) ay isa sa mga gawaing isinasagawa.

“Pinupuntahan namin ang mga kapatid natin na hindi madalas na naaabot ng mga gawaing pang-ebanghelisasyon. Pinapadama natin sa kanila na sila ay kasapi ng Simbahan,” sabi ni Sisa Coloma, isang DK worker na nagunguna sa pagdalaw sa mga barangay.

Maliban sa pangungumusta, ipinapaabot din ang kahalagahan ng Sakramento at sinisikap na magkaroon ng mas malalim at mas malawak na pananaw sa pagiging Katoliko.

PANGANGAILANGANG PANG-EKONOMIYA
 

Nakatuon din ang pansin ng DK sa mga gawaing pang-ekonomiya ng sambayanan lalo na sa mga barangay. Bumubuo ng mga People’s Organization nang sa gayun ay mas mapuwersa at mas maganda ang kahihinatnan ng kanilang mga gawain.

Ang mga People’s Organization na nabuo ay nagiging katuwang din sa pagpapalaganap ng sustainable agriculture na naglalayong maipatupad ang pagsasaka na may pagpapahalaga at malasakit sa kapaligiran at likas na yaman.

Photo Gallery

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E

Focolare Movement