Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
St. Nicholas of Tolentine Parish - Carranglan, Nueva Ecija
St. Nicholas of Tolentine Parish
VISION

Sambayanang namumuhay bilang isang maunlad na Damayang Kristiyano na nangangalaga sa inang kalikasan, binibigkis at pinapalakas ng Espiritu Santo sa patnubay ni San Nicolas.

MISSION
  • Pagbuo ng mumunting Sambayanang Kristiyano (BEC/DK)
  • Paghuhubog ng mga lider layko at mga kabataan
  • Pagtataguyod ng Kapayapaan batay sa Katarungan at pagmamahalan.
  • Paglulunsad ng mga proyekto at programa tungo sa buo at tuloy-tuloy na pag-unlad at pangangalaga ng kalikasan
  • Masusing pag-aaral at pagsasabuhay ng turo at aral ng simbahang Katoliko
BEGINNINGS

Ang Carranglan ang pinakamalaking bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija kung lawak ng lupain ang pagbabatayan, subalit pinakamaliit sa pangkabuhayan. Mahirap ang bayang ito na matatagpuan sa dulong hilagang bahagi ng lalawigan. Ang mga bulubunduking lupain nito ay di gaanong pinakikinabangan dahil sa kakulangan sa patubig. Ang mga kabukiran ay karaniwang umaasa sa tubig-ulan upang maging kapaki-pakinabang. Karamihan sa mga mamamayan ay mga magsasaka at ang pagtatanim ng mga halamang-ugat ang nakakatulong sa kanilang pamumuhay.

Matatgpuan pa rin ang dalawang tribu ng mga katutubo sa ilang liblib na bahagi ng bayan. Mahabang panahon ng Kristiyanismo ang nakatulong upang sila ay maging binyagan, samantalang pinananatili nila ang kulturang kinagisnan.

Upang mapalaganap ang Kristiyanismo, nagtayo ang mga masigasig na mga Agustinong pari ng dalawang misyon - isa sa Puncan, at isa sa Carranglan noong 1765. Sa tulong ng mga mananampalataya, gumamit ng magkahalong tisa, bato, at semento ang mga pari sa pagtatayo ng simbahan sa karanglan ni San Nicolas de Tolentino.

Sa loob ng maraming taon, ang parokya ay pinangasiwaan ng mga misyonero. Noong 1941-1948, si Padre Jose Croonen, MSC ang nangasiwa sa simbahan dito sa Carranglan. Sa kanyang pamamahala, naitayo ang kumbento. Siya ay binihag ng mga Hapon dahil sa pananampalatayang Katoliko. Ang mga sumusunod ay ang mga paring misyenero na naglingkod sa Parokya ni San Nicolas de Tolentino at ang mga natatanging kaganapan sa kani-kanilang kapanahunan.

ADMINISTRATION

1948-1950 - Padre Celeste, MSC

1950-1951 - Padre Cornelius Van Weerdenberg, MSC

1953 Padre - Alfred Cayabyab, MSC

1954-1959 - Padre Leo Van Kalmthout, MSC

1959-1962 - Padre John A. Boere, MSC – nagpatayo ng bagong kumbento

1962-1966 - Padre James Rjke, MSC – bumuo ng koro para sa Misa; pinasigla ang mga samahang panrelihiyon

1967-1988 - Fr. Leo Van Kalmthout, MSC

1988 - Fr. Omar Tabing – Parochial Administrator 

1989-1994 - Fr. Nestor Romano

1994-2000 - Fr. Cesar Vergara – nagpagawa at nagpatapos ng bagong simbahan

2000-2002 - Menardo Natividad 

2002-2004 - Fr. Victor Villalobos 

2004-2006 - Fr. Ernie Pesimo 

2006-2013 - Fr. Ariel U. Capuyon 

2013-present - Fr. Lloyd A. Nepumuceno

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E