Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
St. Joseph the Worker Cathedral Parish - San Jose City, Nueva Ecija
 St. Joseph the Worker Cathedral Parish
VISION

"Sambayanang nagsasabuhay ng maunlad na Damayang Kristiyano, binubuklod at pinababanal ng Espiritu Santo sa patnubay ni Apo San Jose"

MISSION

Pagpapalaganap ng Damayang Kristiyano

BEGINNINGS

ANG SIMBAHAN NI SAN JOSE

Noong dumating ang mga paring Agustino taong 1701, ang San Jose ay ginawang bahagi ng Puncan. Subalit sa kalapitan nito sa Lupao, itinuring ito na isa sa mga baryo at nitong huling bahagi ay tinawag na “Barrio Cabaritan” na ang kahulugan ay kung saan matatagpuan at masaganang inaani ang mga “barit” (Ilokano: halamang nabibilang sa pamilya ng rattan). Sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila, naitanghal bilang distrito ng Lupao ang “Barrio Cabaritan”. Noong ika-19 ng Marso 1894 ang Barrio Cabaritan ay pinalitan ng “San Jose” bilang pagkilala sa patron ng nasabing bayan.

Ang San Jose ay kabilang at nasa ilalim ng Diyosesis ng Lingayen na pinamunuan no Obispo Cesar M. Guerrero, na naatasan na magpadala ng mga pari upang maglingkod at mamahala sa pangangailangang espirituwal ng mga tao. At ang bayan ng San Jose ay pinangunahan ng dalawang Pilipinong pari.

Noong 1908, dumating sa Pilipinas mula sa Holland ang mga pari ng Missionaries of the Sacred Heart (MSC). At noong 1937, nagkaroon ng paanyaya sa paring MSC si Obispo Cesar Guerrero ng Lingayen na pamahalaan ang hilagang bahagi ng Nueva Ecija at kasama dito ang mga lugar sa San Jose, Lupao, Muñoz, Guimba, Cuyapo, Nampicuan, Pantabangan at Carranglan. Sina Padre Theodore Keet at Padre Renier van Glansbeek ang kauna-unahang paring MSC na dumating noong 1937.

Sa paglipas ng panahon, maraming pagbabago ang naganap. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, muling sinimulang buuin ang Parokya at noong ika-20 ng Hunyo 1946 ito ay naitatag. Kasabay nito ay ang pagdating ng mga Franciscan Sisters of the Immaculate Conception(SFIC). Noong 1948, ang kauna-unahang Pilipinong paring Katoliko sa San Jose, si Fr. Jose Suarez ay inordenahan sa Katedral ni San Pablo sa Vigan, Ilocos Sur.

Noong ika-26 ng Pebrero 1963, mula sa mga nasasakupan ng Diyosesis ng Lingayen-Dagupan at Diyosesis ng San Fernando, ang San Jose ay naging bahagi ng Diyosesis ng Cabanatuan at ito ay pormal na inagurahan noong Hunyo 1963.Noong ika-14 ng Hulyo 1984, ang Diyosesis ng San Jose ay itinatag batay sa pangangailangang pastoral. Ang unang naging Obispo dito ay ang kagalang-galang na Obispo Florentino A. Cinense at siya ay hinalinhan ni kagalang-galang na Obispo Leo M. Drona, SDB noong 1987.

Taong 1997 ng umpisahang ipagawa ang Katedral sa pamumuno ni Msgr. Luvimindo Sayson dahil sa labis na pagkaapekto noong nakaraang lindol. At ito’y tulong-tulong na ipinagpatuloy noong kapanahunan ni Reb. Padre Nestor Romano. At ito’y nagkaroon ng kaganapan noong taong 2006 at kaalinsabay nito ang pagdating ni Kagalang-galang na Obispo Mylo Hubert C. Vergara, ang pangatlo at kasalukuyang Obispo ng Diyosesis.

TERRITORIAL

Ang Parokya ni San Jose, Manggagawa ay nakahimlay at napapaligiran ng mga bundok ng Caraballo (hilaga), Sierra Madre (silangan), Aparri Cagayan (kanluran) at Dagupan (timog-silangan). Ito ay may nasasakupang tatlumpu’t tatlong barangay (dalawa dito ay “adopted” mula sa Llanera), lima ditto ay nasa kabayanan, at sampung sitio. Ngunit sa kasalukuyan ay may apat na barangay pa ang walang kapilya.

ADMINISTRATION

A. PARISH PRIEST

 a. Rev. Fr, Theodore Keet, MSC .

  • 1937 – 1949 (1st Term)
  • 1958 – 1961 (2nd Term)

b. Rev. Fr. Josef Crooden, MSC.

  • 1949-1950

c. Rev. Fr. William Mees, MSC

  • 1950 – 1958 (1st Term)
  • 1964 - 1971 (2nd Term)

d. Rev. Fr. Bartholomeus Witteman, MSC

  • 1961 – 1964

e. Rev. Fr. Manuel Hilario, MSC

  • 1971 – 1973

f. Rev. Fr. Nicolas Gito, MSC

  • 1971-1974

g. Rev. Fr. Marvin Winnips, MSC

  • 1981 – 1983

h. Rev. Fr. Rudy Abao, MSC

  • 1983 – 1986

i. Most Rev. Leo M. Drona, SBD,DD

  • 1987 – 1994

j. Msgr. Luzvimindo Sayson

  • 1994- 2000

k. Rev. Fr. Nestor Romano

  • 2000-2006

l. Rev. Fr. Cesar C. Vergara

  • 2006- 2013

m. Most Rev. Roberto C. Mallari, D.D.

  • 2013 - present
 
PASTORAL THRUST

A. WORSHIP

  • To provide a positive worship experience for all through a consistent quality of liturgy.
  • To provide support and assistance to the Liturgical Ministries,
  • Provide continued liturgical education for all ministers and community.

B. EDUCATION

  • To provide and conduct educational and spiritual formation
  • To formulate and implement formation for DK communities
  • To formulate and implement leadership trainings and seminars for BPC officers

C. SERVICE

  • To sustain local outreach programs for the poor, homeless and vulnerable people within the parish.
  • To provide a support service for members of the parish in times of need.
  • To initiate livelihood programs for the marginalized sector of the parish

D. YOUTH

  • To strengthen the youth’s relationship with Christ
  • To provide opportunities for personal growth
  • To encourage community involvement

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E