Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
Immaculate Conception Parish - Nampicuan, Nueva Ecija
Immaculate Conception Parish - Nampicuan
VISION

Kaming kumakatawan sa parokya ng Immaculada Concepcion (na nanggaling sa iba’t ibang barangay, may iba’t ibang karanasan, gauwain at katayuan sa buhay) ay naglalayong maging sambayanang:

  • may matibay na pananampalataya kay Kristo (pananampalatayang nakabatay sa banal na kasulatan)
  • may pagkakaisa at kapatiran (may paggalang sa isa’t isa at pagpapahalaga sa buhay-pamilya)
  • tapat na sumasaksi sa katotohanan
  • may pangangalaga sa kapaligiran at
  • handang maglingkod na walang hinihintay na kapalit.
MISSION

Bilang katuparan ng pangarap na ito ay itinatalaga namin ang aming sarili sa pagpapatuloy ng tatlong gawain ni kristo na:

  • Guro at Propeta; sa Komite ng Paghubog (formation)
  • Pari; sa Komite ng Pagsamba (worship)
  • Hari at Lider-lingkod; sa Komite ng Paglilingkod (service)
BEGINNINGS

Noong taong 1950 itinalaga ni Arsobispo Mariano Madriaga ng Lingayen si Padre Luis Llamas bilang kauna-unahang kura-paroko ng Nampicuan. Makalipas ang ilang taon, mula sa likuran ng munisipyo, ang kapilya ay nailipat sa bakuran ng Laureano Gonzales Memorial High School. Ang may bahay ni G. Laureano Gonzales, si Doña Marta Martinez, ay nakatulong ng malaki sa pagpapalaganap ng pananampalatayang katoliko. Noon ay wala pang sariling kumbento ang pari. Nakikitira lamang ang pari sa bahay ng pamilya Baguisi. Taong 1955 nang malipat ang bisita sa kasalukuyang kinatatayuan. Ang pari noon ay si Padre Ruperto Fernandez. Nakapagpatayo rin siya ng kumbento sa tabi ng bisita. Ang mga pagawain ng parokya ay ipinagpatuloy ng iba’t-ibang paring nadestino rito. Noong panahon ni Padre Michael Balaria, taong 1982, ay naitayo ang bahay-pari sa tulong na galing sa ibang bansa at ng mga mamamayan. At noong taong 1986, sa tulong din ng mamamayan, si Padre Cesar Vergara ang nanguna sa pagpapatayo ng kasalukuyang bahay-dalanginan.

TERRITORIAL BOUNDARIES

Ang Nampicuan ay isang maliit na bayan sa dakong hilagang kanluran ng lalawigan ng Nueva Ecija. Ito ay matatagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Nueva Ecija at Tarlac. Ang buong bayan ay bahagi ng lupaing hacienda na pag-aari ng mga Pamilya ng Gallego at Alzate. Ito ay dating Barangay ng Cuyapo, Nueva Ecija. Dito ay naninirahan ang mahigit na labing-isang libong mamamayan. Ang Nampicuan ay binubuo ng 21 Barangays, ito ay: Barangay Ambassador, Cabaducan East, Cabaducan West, Cabawangan, East Central, Southeast Pob., Southwest Pob., South Central Pob., North Pob., Northwest Pob., West Central, West Pob., Maeling, Medico, Monic, Recuerdo, Mayantoc, Edy, Tony, Prado, Alemania.

ADMINISTRATION

Ang mga Paring nadestino sa Parokya ay ang mga sumusunod:

Rev. Fr. Luis Llamas

Rev. Fr. Ruperto Fernandez

Rev. Fr. Eulopgio Posadas

Rev. Fr. Victor Espino

Rev. Fr. Segundo Gotoc

Rev. Fr. Theo Keet, MSC

Rev. Fr. Cirilio Castillo

Rev. Fr. Alex Cajucom

Rev. Fr. Felipe Dayao, Jr.

Rev. Fr. Cesar Silva

Rev. Fr. Conrado Milan

Rev. Fr. Dante Martinez

Rev. Fr. Michael Balaria

Rev. Fr. Cesar Vergara

Rev. Fr. Marcelito Paez

Rev. Fr. Romeo Nietes

Rev. Fr. Menardo Natividad

Rev. Fr. Josix Tolentino

Rev. Fr. Christian Magtalas

1950 – 1955

1955 – 1961

1961 – 1962

March 1962 – May 1962

May 1962 – March 1963

July 1964 – 1966*

1966 – 1969

1969 – 1971

1971 – 1976

1976 – 1980

1980 – 1981

1981 – 1982

1982 – 1984

1984 – 1994

1994 – 2000

2000 – 2006

May 2006 – Dec. 2007

Dec. 2007 –

present

PASTORAL THRUST

Hindi lamang ang pagpapaayos ng kapaligiran at gusali ang ginawa ng mga paring nadestino dito. Patuloy din sa pagbabalangkas ng mga gawain upang umunlad ang pananampalataya ng mga tao tulad ng mga samahang Holy Name Society, Cursilio Movement, Legion of Mary, Knights of the Altar at PREX. Inilunsad din ang mga kilusang pangkabuhayan tulad ng Gratia Plena Consumers’ Cooperative. Gratia Plena Mutual Benefit Association at Food Production Program. Sa ngayon ay walang makikitang bakas ng mga ito. Kapansin-pansin na ang mga kilusan at samahan, maganda man ang layunin, ay karaniwang sumisibol at nawawala kasabay ng pagpapalitan ng mga Pari. Hindi pa man nagtatagal na nakaaalis ang pari, ang kanyang nasimulan ay hindi na ipinagpapatuloy. Ilan na lamang ang ipinagpapatuloy ngayon. Kabilang dito ang Daan ng Krus tuwing Biyernes Santo, ang Santa Cruzan, Kapistahan ng Sto. Niño, Living Rosary tuwing buwan ng Oktubre, Dalaw-Parokya bago ang Kapistahan ni Maria Immaculada, Bigasan sa Parokya at iba pang programa na makakatulong sa paglago ng mga mananampalataya.

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E