Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
San Roque Parish - Cuyapo, Nueva Ecija
San Roque Parish
VISION

Isang sambayanang nagsasabuhay ng Damayang Kristiyano sa pamamatnubay ng aming patron na si san Roque.

MISSION

Pagbabahagi at pagsasakatuparan ng damayang Kristiyano

BEGINNINGS

Ang bayan ng Cuyapo, ay dating karugtong ng bayan ng Rosales, Pangasinan. Noong 1870, sa ilalim ng panunungkulan ng unang Gobernadorcillo Don Juan Pangalilingan itinatag ang parokya ni San Isidro Labrador ditto sa bayan ng Cuyapo. Noong 1871, nang ang alkalde-mayor ay si Roberto Pangalilingan, hiniling niya sa Arsobispo ng Maynila na gawing isang parokya ang Cuyapo at bigyan ng sariling pari. Noong 1909, nagkaroon ng epidemiya ng kolera sa bayan ng Cuyapo. Ang mga taong-bayan ay nagdebosyon kay San Roque na siyang Patron ng mga Sinasalanta ng salot, upang iligtas sa epidemya. Sa tulong ni San Roque, ang epidemya ay nasugpo. Hiniling ng taong-bayan na baguhin ang patron at mula noon hanggang sa ngayon si San Roque ang itinanghal na Patron bilang taga-gabay, tagsubaybay at tagapagligtas sa sakuna at kalamidad ng parokya ng Cuyapo.

TERRITORIAL BOUNDARIES

Matatagpuan ang bayan ng Cuyapo, sa may Hilagang kanluran ng Diyosesis ng San Jose de Nueva Ecija, sag awing Kanluran ng San Manuel Tarlac, gawing silangan ng Nampicuan, gawing timog ng Guimba at gawing hilaga ng Balungao Pangasinan. Ang bayan ng Cuyapo ay binubuo ngayon ng 41 barangay kasama na ang mga distrito ng bayan. Ang populasyon ng Cuyapo ay may 52,000 at 80 % dito ay mga Katoliko at ang mga diyalektong ginagamit ay Tagalog. Ilocano at Pangasinense.

ADMINISTRATION

Ang unang pari na naglingkod sa parokya ng Cuyapo ay si Padre Estanislao, si Padre Pascual Rigor naman ang unang naging Kura Paroko nang naging si San Roque ang Patron ng bayan. Noong 1939 dumating ang mga Misyonero ng Sagrado Corazon o MSC sa pangunguna ni Padre Vicente Celeste at Padre Andrew Corsten. Noong 1955 ang bahay dalanginan ay sinawing-palad na tangayin ng malakas na bagyo na naging dahilan ng pagkakasira nito. Sinimulang gawin o baguhin ang simbahan na pinangatawanan ni Padre Cornelius Lagerway (1956-1958).

Noong Hulyo 30, 1979 itinalagang Obispo ang dating kura paroko na si Padre Pedro Magugat. Noong 1979 ay humalili na ang mga “Diocesan priest” sa parokya ng Cuyapo sa pangunguna ni:

Fr. Romeo C. Nietes

Fr. Rolando Mabutol

Fr. Bonifacio P. Flores

Fr. Renato R. Santos, Jr.

Msgr. Luvimindo Sayson

Fr. Nestor E. Romano

Fr. Ariel U. Capuyon

Oktubre 3, 1979 – Enero 16, 1994

Enero 17, 1994 – Abril 29, 1994

Abril 29, 1994 – Mayo 29, 1997

Mayo 29, 1997 – Mayo 29, 2000

Mayo 30, 2006 – Mayo 12, 2007

Mayo 13, 2006 - Mayo, 2012

Mayo, 2012 - present

Mga naging pagawain ng Simbahan:

1998 - Adoration Chapel

2007 - Canopy

2008 - Choir Loft

2007 - 2009 - Renovation of Choir Loft, Canopy and Facade

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E