Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
Our Lady of the Most Holy Rosary Parish - Licab, Nueva Ecija
Our Lady of the Most Holy Rosary Parish
VISION

Sambayanang tinawag upang magmahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa na may paggalang sa lahat ng nilikha sa tulong at gabay ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

MISSION

  1. Pagtatatag ng matibay na pananampalataya sa Diyos at taimtim na debosyon sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.
  2. Pagpapalakas at pagtataguyod ng Damayang Kristiyano.
  3. Pagkakaroon ng mga programa ng paglingap sa kapwa at kalikasan.
  4. Paghuhubog at pagpapalakas ng PPC, BPC at ibat ibang mga mandated organizations.
  5. Pagtataguyod ng matibay na ugnayan ng BPC sa mga pamunuan ng Sangguniang Barangay.
BEGINNINGS

Halos kaalinsabay sa pagiging isang bayan ang pagkakatatag ng unang simbahang katoliko sa Licab noong 1905 dahil isa ito sa mga pangunahing kundisyon upang maging isang bayan. Isang maliit na simbahan na gawa sa kawayan at pawid ang naipatayo ng mga mamamayan sa Kalye Real at si San Cristobal o Apo Tubal ang kinilalang patron. Ang mga unang paring dumadalaw dito upang tugunan ang pangangailangang pananampalataya ng mga tao ay ang mga paring nakatalaga sa Aliaga at Victoria. Ang kasalukuyang gusali ng simbahan ay naitayo noong Mayo 29, 1969 matapos masunog ang lumang simbahan noong 1964.

Noong Oktubre 2005 isang Papal Decree ang ipinalabas mula sa Roma na nagsasaad na ang magiging bagong patron ng parokya ay ang Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo. Ito ay naganap sa panunungkulan ni Fr. Ruben Ortiz bilang kura paroko na siya ring nanguna sa pagsusulong na mapalitan ang patron sapagkat ito ay di nakatala sa listahan ng mga banal sa kalendaryo ng simbahan.

TERRITORIAL BOUNDARIES

Ang Licab ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Nueva Ecija. Ito ay may kabuuang sukat na 6,023 ektarya na binubuo ng 11 baranggay: Poblacion Norte, Poblacion Sur, San Casimiro, Linao, Tabing-Ilog, San Cristobal, San Juan, Aquino, Villarosa, Sta. Maria, at San Jose. Ang hangganan sa kanluran ay ang bayan ng Guimba at Quezon, sa silangan ay ang bayan ng Quezon, sa kanluran ay ang mga bayan ng Victoria at La Paz ng Tarlac, at sa Timog ay ang mga bayan ng Zaragosa at Aliaga.

Ito ay nasa 37 km hilagang silangan ng siudad ng Cabanatuan, ang pangunahing siudad ng Nueva Ecija at 24 na km naman mula sa Maharlika highway patungo ng siudad ng Munoz kung saan matatagpuan ang Central Luzon State University (CLSU), Phil Rice at iba pang institusyon ng pamahalaan.

Ang Licab ay siya ring hangganan ng probinsya ng Tarlac. Ito ay humigit kumulang na 155 km mula sa Metro Manila.

ADMINISTRATION

Ang mga paring naitalaga sa parokya ng Licab ay ang mga sumusunod:

1. Fr. Genaro Sazon

2. Fr. Segundo Alto

3. Fr. Casiano

4. Fr. Gabriel Jocson

5. Fr. Aunario Bolisay

6. Fr. Salvador Silvestre

7. Fr. Jose dela Cruz

8. Fr. Ernesto Lumanlan

9. Fr. Vicente de Leon

10. Fr. Esteban Camilon

11. Fr. Pedro Capitly

12. Fr. Horacio Cabiling

13. Fr. Felix Hernandez

14. Fr. Macario Lacap

15. Fr. Romeo Mendiola

16. Fr. Juan de Jesus

17. Fr. Remigio Malgapo

18. Fr. Renato Santos

19. Fr. Bonifacio Flores

20. Fr. Ruben Ortiz

21. Fr. Romeo Nietes

22. Fr. Pedro Albino Jr.

23. Fr. Rosalito F. Cabanting - present

Sa kasalukuyan, pangunahing proyekto ng parokya ang pagpapagawa ng opisina at sakristiya na pinagtutulung tulungan ng mga mananampalataya.

PASTORAL THRUST

Ang pangunahing programa sa parokya sa kasalukuyan ay nakatuon sa:

  • paghuhubog at pagsasanay ng mga layko upang maging mga servant leaders
  • pagpapalaganap ng mabuting balita sa iba’t ibang sektor (pamilya, kabataan, mga bata, atbp)
  • pagbubuo ng mga damayang kristiyano.

Ilan sa mga programang isinasagawa ay

  • Seminar para sa mga lectors at commentators
  • Basic Bible Seminar
  • Seminar sa Youth Ministry
  • Buwanang pagsamba sa Banal na Sakramento at pagninilay sa Banal na Kasulatan
  • Katekesis sa mga pampublikong paaralan

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E