Saan napupunta ang balik-handog?



Tel.: (044) 940-3122
Fax: (044) 511-1371
email: dioceseofsanjosene@gmail.com
Text Size:
St. Sebastian, Martyr Parish - Science City of Muñoz, Nueva Ecija
San Sebastian Parish
VISION

Ang pangarap ng Prokya ng San Sebastian ay maging isang sambayanang maka-Diyos na pinagbuklod ng pag-ibig.

MISSION

  1. Sama-samang sumasamba
  2. Pagbuo ng mga Damayang Kristiyano; at
  3. Ebanghelisasyon ng mga lider-layko at pamilya
  • Third Parish Pastoral Assembly (San Sebastian Parish KC Hall) July 21-22, 2005
BEGINNINGS

Ang Muñoz ay isang dating “settlement area” noong ika-17 siglo. Patag na lugar ay magubat, ito ay binabagtas ng tatlong ilog at isang sapa-Baliwag, Sibul, Panlasyan at Balante. Mayroon ding mga lawa-lawaan: Matingkis, Dibabuyan at Pinac.

Tribu ng mga Baluga ang unang nanirahan rito. Isang tribu sa may Sapang Balante. Ang lugar na ito anf pinakmaunlad at nang malaunan ay tinawag itong Sitio Payapa sa ilalim ng Palusapis na noon ay isang bayan o pueblo. Madalas na lusubin ng mg atulisan ang Palusapis, kaya’t ang mga tao ay lumikas sa mga ligtas na lugar gaya ng San Juan de Guimba, Pulong Buli at Papaya.

Dumami ang mga tao sa Papaya,at noong 1855 ito’y ginawang isang pueblo at pinangalanang Muñoz bilang parangal sa kasalukuyang alcalde mayor noon ng Nueva Ecija. Ang Palusapis naman ang naging barrio at ipinailalim sa pueblo ng Muñoz.

TERRITORIAL BOUNDARIES

Ang Parokya ng San Sebastian ay matatagpuan sag awing timog-kanluran, may labing-apat (14) na kilometro mula sa Lungsod ng San Jose. Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong barangay at isang sitio: Mangandingay, Mapangpang, san Felipe, Sitio Bagbaguling, san Andres, Villa Isla, Linglingay, Rizal, Cabisuculan, Villa Santos, Rang-ayan, Franza, Bical, Calistan, Pandalla, Gabaldon, Catalanacan, Balante, Poblacion North, Poblacion East, Poblacion West, Poblacion South, Labney, Calabalabaan, San Antonio, Palusapis, Matingkis-Muñoz, Matingkis-Talavera, at Bacal III.

Ang mga hangganan nito ay ang mga sumusunod: sa hilaga ay ang Parokya ng St. James the Great ng Lupao; sa hilagang-silangan ay ang Parokya ng San Jose; sa silangan-timog-silangan ay ang Parokya ng Sacred Heart; sa timog ay ang Parokya ng San Geronimo, Baloc; sa timog-kanluran ay ang Parokya ng Our Lady of the Sacred Heart, Triala; sa kanluran ay ang Parokya ng San Juan Ebanghelista, guimba; at sa kanluran-hilagang-kanluran ay ang Parokya ng Our Mother of Perpetual Help, Talugtug.

ADMINISTRATION

Ang unang paring naglingkod ay isang Kastila, si Fr. Ortega, na masigasig nanghikayat sa mga tao na gawing patron si San Sebastian bilang parangal kay Sebastian del Castro na siyang unang Gobernadorcillo ng pueblo. Enero 10, 1913 nang maging ganap na bayan ang Muñoz subalit noon lamang 1922 naging parokya ang San Sebastian sa ilalim ng Arzobispado de Manila. Si Fr. Lorenzo Inco ang unang kura paroko na naglingkod mula Oktubre 1922 hanggang Abril 1933. Sinundan siya nina:

Fr. Teodoro Garcia

Fr. Mariano Corpuz

Fr. Evaristo Soriano

Fr. Jose Torres

Fr. Rafael Quimpo

Fr. Esteban Camilon

Fr. Nestor E. Romano

Dec 1932 - Jan 1933

Jan 1933 - May 1933

Feb 1933 - Apr 1933

May 1933 - Nov 1934

Dec 1934 - Aug 1935

Dec 1934 - Mar 1949

May 2013 - present

Dumating ang mga paring MSC (Missionaries of the Sacred Heart) sa Nueva Ecija noong 1939 at sila ang pinamahala sa walong parokya sa hilagang-silangang bahagi ng lalawigan na noon ay nasa ilalim ng Obispo ng Lingayen-Dagupan, Lub. Kgg. Cesar Ma. Guerrero, D.D.. Lumipas ang sampung taon at noong Abril 1949 ay inilipat sa pamamahala ng mga paring MSC ang Parokya ng San Sebastian. Si Fr. Henry Van Rooijen, MSC, isang Holandes, and pumalit kay Fr. Esteban Camilon. Naging co-pastors sina Fr. Cornelius Van Weerdenburg, MSC at Fr. Gerardus Op den Camp, MSC. Pumalit kay Fr. Henry Van Rooijen, MSC si Fr.Jozef Croonen, MSC noong Enero 1950 hanggang Mayo 1955. Sa panahon ng panunungkulan ni Fr. Jozef, sinimulang itayo ang gusali ng simbahan ng San Sebastian kung saan ito matatagpuan sa kasalukuyan.

Ipinagdiwang ang ika-75 taong anibersaryo ng san Sebastian bilang isang parokya noong ika-20 ng Enero 1997, kasabay ang paglulunsad sa paglikom ng pondo para sa pagpapatayo ng Sacred Heart parish sa Bantug. Sinimulan naming itayo ang simbahan ng Sacred Heart parish noong ika-13 ng Enero 2001 at noong Abril2006 ay idineklara ang simbahan ng Sacred Heart bilang isang ganap na parokya ni Lub. Kgg. Mylo Hubert C. Vergara,DD, Obispo ng san Jose.

At noong ika-5 ng Mayo 2006, sa isang misa na pinangunahan ni Obispo Mylo Vergara ay itinalaga si Rev. Fr. Renato R. Santos,Jr. bilang kura paroko ng San Sebastian. Kasamang itinalaga si Rev. Fr. Josix R. Tolentino na noon ay isang Diyakono bilang Parochial Vicar.

Naordenahang pari si Rev. Tolentino noong ika-7 ng Oktubre 2006 at siya’s nanatiling Parochial Vicar ng San Sebastian hanggang ssa siya’y itatalaga bilang kura paroko ng Immaculate Conception Parish sa Nampicuan, Nueva Ecija noong ika-8 ng Disyembre 2007.

PASTORAL THRUST

Desired Goals and Objectives:

Bilang isang parokya, una, nawa’y maunawaan ng bawat Kristiyano na makibahagi/makisangkot sa mga programa at iba pang paglilingkod sa sambayanan. Ikalawa, maisabuhay ang pangarap at misyon ng Parokya ng San Sebastian na naaayon sa kautusan ng Simbahang Katolika at sa adhikain ng Diyosesis.

Support our Advocacies

HELP BUILD THE TAHANAN NG DAMAYANG KRISTIYANO

Account Number
1990063762
Account Name
The Roman Catholic Bishop of San Jose Nueva Ecija Inc.
BDO SAN JOSE BRANCH-MAHARLIKA HIGHWAY, SAN JOSE CITY, N.E